16

Feb 2, 2021 @ 14:00

18 namundok pinapak ng mga bubuyog

Kinuyog ng mga bubuyog ang 18 mountaineer sa Mt. Tarak sa Mariveles, Bataan.

Nasagip naman agad ng rescue team ang mga mountaineer ngunit inabutan silang hinang-hina dahil sa sting ng bubuyog.

Ani Dante Malimban, kapitan ng Bgy. Alas-asim, may mga bumaba sa naturang bundok upang ipagbigay-alam sa mga awtoridad ang mga sigaw ng tulong naririnig nila.

Hindi umano mapuntanhan ng mga nakarinig ang mga nanghihingi ng tulong dahil malayo ito sa kanila.

Agad namang naisugod sa pagamutan ang 18 mountaineer at kasalukuyan nang nagpapagaling.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?