12

Mar 5, 2021 @ 10:15
By

18 lindol naitala sa Bulkang Taal

Naitala ang 18 lindol at dalawang yugto ng volcanic tremor sa Taal Volcano sa nakalipas na 24 oras.

Ayon pa sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), tumagal ng dalawa hanggang tatlong minuto itong mga pagyanig.

“Samantala, mahinang pagsingaw, na may taas na sampung (10) metro, mula sa mga fumaroles o gas vents ang naganap sa Main Crater,” saad pa sa Marso 5 bulletin ng Phivolcs.

Nananatili ang Alert Level 1 sa naturang bulkan na nangangahulugang “ang steam-driven o phreatic na pagputok, volcanic earthquake, bahagyang abo at mapanganib na ipon o pagbuga ng volcanic gas ay maaaring biglaang maganap at manalasa sa mga paligid ng Taal Volcano Island o TVI.”

Mariing minumungkahi ng Phivolcs ang maigting na pagbabawal sa pagpasok sa TVI, na siyang permanent danger zone o PDZ ng Bulkang Taal, lalung-lalo na sa may gawi ng main crater at ng Daang Kastila fissure.

volcanic tremor,Taal Volcano,Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs),

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?