27
drugs
By

18 anyos na tulak, tiklo sa baril, 1/2 milyong pisong shabu

Sharing is caring!

Nasa tinatayang kalahating milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa isang 18 anyos na binatang tulak ng droga sa isinagawang sa anti-criminality campaign sa Baseco Compound sa Maynila nitong Biyernes.

Ayon sa Manila Police District, kasama sa kanilang drug watchlist ang suspek na si Datu Ali Wata Mama at miyembro ng pamilya na notoryus sa pagtutulak ng shabu sa Baseco, Quiapo at Sta Mesa area.

Ang mga kapamilya nito ay kabilang din sa 22 indibidwal na inaresto sa isinagawang Oplan Galugad noong nakaraang araw ng Biyernes.

Sa report ng MPD, napansin ng mga rumorondang pulis ang umbok sa tagiliran ng suspek kaya sinita.

Tinakbuhan nito ang mga pulis pero nahuli at nakumpiska mula sa pouch nito ang 3 plastic ng hinihinalang shabu na may bigat na 150 gramo.

Narekober rin mula dito ang isang digital weighing scale, 45 kalibreng baril, magazine at 3 bala.

Ang suspek ay nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at sa Comelec gun ban.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?