13

Jan 14, 2021 @ 15:32

17M pang AstraZeneca bakuna tiniyak ng ‘Pinas

Nilagdaan ng pambansang gobyerno, 39 lokal na pamahalaan, at pribadong sektor ang tripartite agreement para sa bibilhin pang 17 milyong doses ng COVID-19 vaccine sa AstraZeneca.

Sa ginawang ceremonial signing na pinangunahan nina vaccine czar Secretary Carlito Galvez, at Presidential Adviser for Entrepreneurship Joe Concepcion, nagpaabot ng mensahe si Pangulong Rodrigo Duterte at pinasalamatan ang lahat ng tumulong at naging partner ng gobyerno para labanan ang COVID pandemic.

“There is light at the end of the tunnel. National recovery is within sight. As we bounce back and heal as one, I commend the business community and the LGUs for your ramping up support for our nation’s fight against COVID-19,” anang Pangulo.

Tiniyak ng Presidente ang buong suporta nito sa bayanihan ng Local Government Units (LGUs), pribadong sektor at ng gobyerno para malabanan ang COVID-19 na nananalanta sa bansa.

“You have my full support. Together we can ensure a safe, sure and secure roll-out of our national immunization program,” dagdag ng Pangulo.

Hinimok ng Presidente ang lahat na kasali sa tripartite agreement na sama-samang siguruhin ang ligtas at maayos na implementasyon ng National Immunization Program ng gobyerno.

“To everyone involved in the ‘A Dose of Hope’ project, to all who help and continue to grow this tripartite partnership, maraming salamat po. We now have a weapon to defeat this virus, the vaccine and let us win the war and save lives and livelihoods,” wika pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?