11

Oct 25, 2020 @ 15:55
By

1,751 pasaway sa quarantine nakadetine pa

Nasa kustodiya pa ng pulisya ang abot sa 1,751 na lumabag sa quarantine protocol sa pandemya, ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG).

Paliwanag ni DILG spokesperson Jonathan Malaya, marami dito ay nireklamo sa ‘disobedience to a person in authority’.

Maaari namang makalaya ang mga ito agad kapag nakapagmulta na o nadesisyunan na ng korte.

“The remaining suspects under detention were not detained since March. The numbers of detained is a moving number, it goes up and down because many are released but some are arrested and charged on a daily basis all over the country,” ayon sa DILG, kung saan 1,751 na ang napalaya sa mga violator.

Saad pa ng DILG, aabot na sa 489,044 ang mga lumabag sa quarantine, 189,190 dito ay pinagmulta at 175,327 ang binigyan ng warning.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?