194

By

170K lumang jeep hindi na wawalisin

Inihayag ni Senador Sherwin Gatchalian na hindi na ipi-phase out ang nasa 170,000 na lumang jeep.

Inurong ng Department of Transportation (DOTr) ang kanilang planong i-phase out ang lahat 170,000 public utility jeepney (PUVs) kapalit ng bagong unit.

Sa deliberasyon ng Senado sa P126.86 bilyong budget ng DOTr para sa 2020, sinabi ni Gatchalian, sponsor ng pondo ng DOTr, sa nagtatanong na si Senadora Grace Poe, na sinang-ayunan ng ahensiya ang rekomendasyon nito na idaan na lang sa road worthiness test ang mga PUJ sa halip na tanggalin.

“DOTr also announced that it will no longer be pushing for modernizing all 170,000 units of the PUVs. Instead it is adopting our recommendation to use road worthiness as a standard. Meaning, emissions, the safety, basically, the engine worthiness. Is this still going to be honored?” tanong ni Poe.

“They complied with your recommendation so all PUJs will be allowed to ply on the road as long as they pass the motor vehicle inspection system or road worthiness test,” sagot naman ni Gatchalian.

Pinasalamatan naman ni Poe ang DOTr dahil dininig nito ang kanyang panukala.

“This is actually also for their sake. This is a lot more pragmatic for us, expedient. That if it is still pliable, if it’s safe, and if doesn’t have any adverse emissions, that it be allowed and it will also save a lot (of money),” sabi ni Poe.

Layunin ng PUV modernization plan na tanggalin na ang 15 taon nang dyip at palitan ng Euro 4 compliant na sasakyan na puwedeng patakbuhin ng renewable energy.

Ang halaga ng moderning PUJs ay mula P1 milyon hanggang P2 milyon.

Tanging 2,595 o 1.5 porsiyento pa lamang ang na-modernize sa kanila na tatlong taon.

Ayon naman kay Gatchalian, walang pondo para sa PUV modernization program.

Subalit ang pondo para mag-finance sa modernization program ay direktang ire-remit sa financing institustion tulad ng Landbank at Development Bank of the Philippines.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?