27

Sep 19, 2021 @ 12:31
By

170 parak nakaligtas sa COVID, 162 bagong nasapol

Sumipa na sa 35,495 kawani ng Philippine National Police (PNP) ang naitalang gumaling mula sa COVID-19.

Ito ay matapos maitala ang 170 bagong nakarekober nitong Sabado.

Samantala, nadagdagan naman ng 162 ang bagong nasapol ng virus.

Ayon sa datos ng PNP Health Service, sumirit na sa 38,219 pulis ang nagpositibo sa COVID.

Nanigas naman sa 113 ang death toll rate ng ahensya.

Sa ngayon, 2,611 na ang nagpapagaling na pulis mula sa nakamamatay na virus. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?