231

Mar 9, 2020 @ 18:28
By

170 nakahalubilo ng COVID-19 positive sa Pangasinan binabantayan

Bagaman nagnegatibo ay minamatyagan pa rin ng mga awtoridad sa Pangasinan ang 170 katao na nakahalubilo ng Filipino-Australian na babae na nahawa sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Department of Health-Ilocos Director Valeriano Lopez, walang nakitang sintomas ng sakit sa mga indibidwal sa loob ng 14-araw na quarantine period.

Isang linggo pa aniya nilang imomonitor ang mga ito “para sigurado.”

Pebrero 22 dumating sa lalawigan ang Fil-Aussie para sa isang class reunion sa Dagupan City.

Bumalik ito ng Maynila, Pebrero 23, at nalamang positibo sa COVID-19 pagbalik nito sa Australia, Marso 3.

Sa ngayon, ayon kay Lopez, coronavirus-free pa rin ang Pangasinan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?