21

Feb 21, 2021 @ 17:07
By

17 Tsino hinarang sa bansa, tinapon pabalik sa China – immigration

Hinarang ng Bureau of Immigration (BI) ang 17 Chinese national matapos pumalyang patunayan ang kanilang purpose of travel sa bansa.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, hindi umano nagtugma ang mga pahayag ng dayuhan nang interbyuhin nila ito.

“Their purpose was very doubtful, and they gave conflicting statements, hence they were denied entry to the country,” ani BI intelligence division chief Fortunato Manahan Jr. nang makapanayam niya ang isang Tsino mula Bangkok, Thailand.

Anila, sakay umano ng Pacific Airlines galing Ghengzhou, China ang mga dayuhan at sinabing ‘sponsored’ ng isang tech company sa bansa ang kanilang biyahe.

Pinabalik naman ng BI ang 17 dayuhan sa kanilang bansa

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?