243

Aug 29, 2018 @ 16:54
By

17 rebounds ni Jay-R Taganas nagbunga sa Bulacan Kuyas

Hindi pinayagan ng Bulacan Kuyas na mapahiya sila sa sarili nilang bahay kaya’t nagpakitang-gilas ang mga ito at pinadapa ang bisitang Batangas City Athletics 63-54 sa Datu Cup ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Martes ng gabi sa Bulacan Capitol Gymnasium sa Malolos, Bulacan.

Naging tanggulan ng mga Bulakenyo si Jay-R Taganas na kumubra ng walong puntos, 17 rebounds at isang assist, umasiste si si Hans Thiele ng 11 puntos, anim na rebounds at isang assist.

Ginamit ng Bulacan ang homecourt advantage para dominahin ang Athletics tungo sa 6-2 baraha sa North Division.

Hindi naman maganda ang record ngayon ng inaugural champs Batangas City Athletics na nakakadalawang panalo pa lamang sa pitong salang sa south division.

Sa isa pang laban, matibay ang Basilan Steel matapos nitong makasikwat ng panalo kontra Caloocan Supremos, 92-84.

Naging bala naman ng Steel si Dennis Daa na tumapos ng 25 puntos at siyam na rebounds para ibigay sa Basilan ang 3-4 kartadan sa South.

Nanguna naman para sa Supremos si Jess Mar Villahermosa na kumubra 22 puntos, tigatlong rebounds at assists at apat na steals. Laglag naman sa 2-5 marka ang Caloocan sa North.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?