160

Sep 12, 2021 @ 15:20
By

17 politiko sa Basilan kumampi sa Lakas-CMD

Nanumpa bilang mga bagong miyembro ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) ang 17 politiko sa Basilan Sabado ng gabi.

Pinangasiwaan ni House Majority Leader at Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez ang panunumpa ng mga bagong miyembro katuwang si Lakas-CMD Deputy Secretary General at Zamboanga Sibugay Rep. Wilter Wee Palma II.

“While we continue to attract new members and consolidate our forces, we will not forget our true priority: to serve the Filipino people,” sabi ni Romualdez, pangulo ng partido.

Kumpiyansa si Romualdez na isasabuhay ng mga bagong miyembro ang may malasakit na paglilingkod sa bayan.

Ang mga sumali ay sina Alfiya Akbar, na tatakbo sa pagka-gobernador ng Basilan at ang kanyang magiging running mate na si Board Member Paisal Sali, at si Isabela City Councilor Sarah Sali-Ismael na tatakbo sa pagka-alkalde ng Isabela City.

Nanumpa rin sina Tabuan-Lasa Mayor Brenda Junaid, Lantawan Mayor Nursiya Ismael, Akbar Mayor Alih Sali, Al-Barka Mayor Darussalam Lajid, Ungkaya Pukan Mayor Lutfurrahman Maturan, Tuburan Vice Mayor Hussin Kalang, Al-Barka Councilor Jaydeefar Lajid, Tabuan-Lasa Councilor Muctar Junaid, Ungkaya Pukan Councilor Aley Ahmad Fernandez, Haber Asarul, Paruk Majirul, Yasmeen Junaid, Sakib Salajin, at Aldam Sansawi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?