676

Mar 7, 2020 @ 19:48
By

17 patay sa coronavirus sa Amerika

Umabot na sa 17 katao ang nasawi sa coronavirus (COVID-19) sa Amerika nitong Sabado, Marso 7.

Sa death toll, 14 dito ay mula sa Washington state, dalawa sa Florida at isa California, ayon sa Business Insider.

Kabuuang 338 naman na ang kumpirmadong kaso sa may 29 US states.

Pinakabagong namatay noong Biyernes, Marso 6 (araw sa Amerika), ang dalawang residente sa Florida — isa sa Lee County at isa sa Santa Rosa County.

Samantala, sa buong mundo, mahigit 3,400 na ang namatay dahil sa virus habang mahigit 100,000 ang infected, 80 porsiyento nito ay mula sa China, ang pinagmulan ng COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?