75

Dec 2, 2021 @ 9:53
By

17 parak dinikdik sa kasong murder

Sinampahan ng kasong murder ang 17 pulis dahil sa kanilang kaugnayan sa pagpatay sa labor leader na si Emmanuel ‘Manny’ Asuncion noong Marso.

Ang pagsasampa ng kaso ay base sa rekomendasyon ng Department of Justice (DOJ).

“In the case of the death of Asuncion, the AO 35 Special Investigating Team (SIT) has recommended the filing of murder charges against certain law enforcement agents involved in the incident,” pahayag ni DOJ Secretary Menardo Guevarra sa isang Viber message.

Si Asuncion ay isa sa siyam na aktibista na napatay sa gitna ng pag-raid ng mga pulis sa Calabarzon noong Marso 7. Siya ay provincial coordinator ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) at tubong Cavite.

Dahil sa kanyang kamatayan ay nagsampa ng reklamo sa Office of the City Prosecutor sa Dasmariñas City ang kanyang asawang si Liezl.

Sa Enero 2022 magsisimula ang preliminary hearing sa kaso laban sa 17 pulis.

Inaasahan naman ni Guevarra na ilalabas din ng SIT ang resulta ng imbestigasyon sa walo pang mga biktima ng nasabing raid.

Samantala, ang mga pulis na nadidiin sa reklamo ng asawa ni Asuncion ay sina Police Lieutenant Elbert Santos at Shay Jed Sapitula, Police Senior Master Sgt. Hector Cardinales, Police Master Sgt. Ariel dela Cruz, Police Staff Sgt. Joemark Sajul at mga Police Corporal na sina Ernie Ambuyoc, Mark John Defiesta, Arjay Garcia, Caidar Dimaculangan, Bryan Sanchez at Ericson Lucido.

Kasama rin nila ang mga Police Patrolman na sina Jayson Maala, Juanito Plite, Jonathan Tatel, Prince Benjamin Torres, Jaime Turingan at Lopera Rey PJ Dacara. (mjd)

‘Best of Sportalakan’ Sabong edition

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?