25
aircon1

17 pamilya sa San Juan, nawalan ng bahay dahil sa nagliyab na aircon

Sharing is caring!

Binulabog ng sunog pasado alas-nuwebe ng umaga kanina (Mayo 4) ang mga residente sa Barangay Ermitanio, San Juan City.

Ayon sa ulat, sinabi umano ng may-ari ng bahay na naunang nasunog na si Roberto Palanca, ay may napansin ang kanyang apo na sumiklab sa aircon na nasa ikatlong palapag.

Aniya, hindi na siya pumasok sa bahay dahil mainit na at wala na silang naisalba.

Kumalat ang apoy dahil pawang gawa sa light materials ang mga bahay sa lugar.

Nadamay sa sunog ang bahay na tinitirhan ng may 17 pamilya.

Payo ni Supt. Bernard Rosete, kailangan umanong tignan lagi ang electrical connection at huwag nang hintayin pang magkasunog at kung aalis naman ng bahay ay siguraduhin na tanggalin sa mga saksakan ang mga appliances.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?