15

Feb 21, 2021 @ 9:31
By

17 pagyanig naitala sa Taal

Sa nakalipas na 24 oras, naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang 17 tremor episodes sa Taal Volcano.

Nagtagal anila ng mula isa hanggang anim na minuto ang bawat pagyanig.

Samantala, batay pa sa Pebrero 21 bulletin ng Phivolcs, mahinang nagbuga rin ang bulkan ng puting usok na umabot sa limang metro ang taas.

Pinaalalahanan ng Phivolcs ang publiko na nananatili sa Alert Level 1 ang Bulkang Taal dahil may tsansa pa rin itong sumabog, at maglabas ng abo at volcanic gas sa Taal Volcano Island.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?