36

Jul 26, 2021 @ 10:44
By

17 nagpositibo: Delta variant kumalat sa Laguna

Umabot na sa 17 ang kaso ng Delta variant sa probinsya ng Laguna.

Ito’y base kay Laguna Provincial Health Officer Dr. Rene Bagamasbad, kung saan sinabi nito na muling isasalang sa swab test ang mga close contact ng mga nagpositibo sa Delta variant.

“Kung iisipin natin, mga recovered na kasi itong mga pasyenteng ito. ‘Yung result kasi ng genome sequencing, delayed ng minsan tatlo hanggang apat na linggo kaya ‘yung iba ay June o early July nagkasakit o naospital kaya recovered na sila,” lahad ni Bagamasbad sa panayam ng TeleRadyo.

Sa datos ng Department of Health (DOH) nitong Linggo, 55 ang naidagdag na kaso ng mas nakahahawang variant ng COVID-19 na natuklasan sa India.

Sa kabuuang 119 kaso ng Delta variant, 12 ang tinuturing na active case, o iyong mga hindi pa gumagaling.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?