42

By

17 katao sugatan sa aksidente sa Sorsogon

Sharing is caring!

Nawalan umano ng preno ang isang sasakyan kaya’t bumaligtad kung saan 17 sakay nito ang nasaktan, sa Maharlika Highway, Brgy. Ticol, Sorsogon City kahapon.

Sa ulat ng Philippine National Police, alas-singko ng hapon, binabagtas ng Isuzu Forward Jitney ang kahabaan ng Maharlika Highway nang mawalan ng kontrol sa manibela ang drayber nito na kinilalang si Jose Gabuna Jazmi, 37-anyos, na sugatan din sa insidente.

Sa ngayon nananatili sa Sorsogon Provincial Hospital sina Domingo Borral Asañon; Glen Jintanar Jebulan; Ma. Irny Bojador Mangampo; Jelo Lascano Jebulan; Joren Recto Bonto; Myra Labayo Dellomas; Joyce Dela Cruz Hacutina; Liezl Lasala Leoderes; Arcelia Martos Bajamundi; at Catherine Domdom.

Patuloy namang ginagamot sa Sorsogon Medical Mission Group Hospital ang anim pa na sina Pamela Murcillo Almojela; Milagros Nulial Ebuenga; Maria Lasim; Joyce Bellen; Adelida Escoral; at Jocelle Enalpe Marticio.

Patungo sana ang sasakyan sa Cumadcad, Sorsogon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?