243

May 11, 2019 @ 18:38
By

17 kalaboso sa pagbebenta, pagbili ng boto

Nasa 17 katao ang inaresto dahil sa umano’y pagbili at pagbebenta ng boto sa Muntinlupa nitong Sabado ng umaga.

Anim ang dinakip dahil sa vote-buying habang 11 ang pagbebenta ng boto sa loob ng Minerva Compound sa National Road, Barangay Putatan.

Nakumpiska sa insidente ang 17 envelopes na naglalaman ng tig-P500, 122 envelopes na mayroon namang tig-P300.

Nasabat din ang ilang listahan ng mga botante na may address at precinct number ng mga ito.

Kasalukuyang nakakulong ang mga naaresto sa National Capital Region Police Office.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?