33
Iloilo, Nueva Ecija pasok sa MPBL
Apr 16, 2021 @ 15:42
By

17 coach, player kakasuhan sa MPBL bentahan ng laro

17 katao ang nireklamo sa korte dahil sa umano’y bentahan ng laro sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) noong 2019.

Ayon kay Office of the Prosecutor General spokesperson Prosecution Atty. Honey Delgado. naghain na ng resolusyon si Assistant State Prosecutor Maria Khristina Salumbides sa reklamo ni MBPL Commissioner Kenneth Duremdes, base sa kautusan ni MPBL founder Sen. Manny Pacquiao.

Ang mga dawi sa kaso ay sina SOCCKSARGEN Marlins team coach Fedinand Melocoton na may four counts, at ang mga manlalarong sina Jake Diwa, 14 counts; Exequiel Biteng, 13 counts; Jerome Juanico, 14 counts; Matthew Bernabe, 12 counts; Julio Magbanua, 10 counts; Abraham Santos, 10 counts; John Patrick Rabe, seven counts; Ryan Regalado, nne counts; Janus Lozada, one count; Ricky Morillo, one count; at Joshua Alcober, one count.

Kasama din sa mga kakasuhan sina Quezon City Capitals coaching staff member Serafin Matias na haharap sa seven counts; Sonny Uy, nine counts; Mr. Sung, 14 counts; Kein, three counts; at Emma, one count.

Ang mga nabanggit ay nireklamo sa paglabag ng Presidential Decree (PD) 1602 in relation to PD 483 dahil sa alegasyon ng game-fixing.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?