57

Jun 19, 2020 @ 8:44
By

17 anyos tumulong sa Isabela, pinarangalan sa US

Kinilala ang isang edad 17 na Filipino-American sa Amerika dahil sa pagtulong sa mga mag-aaral sa Isabela.

Ginawaran si Jeanelle Pua Mapili ng “2020 Youth Recognition Award” ng Rochester Area Youth Assistance (RAYA) board of directors.

Si Mapili ay mag-aaral ng Adams High School sa Michigan, US at nanguna sa “Dora Backpack Drive” na nagbibigay ng school supplies sa mga mag-aaral sa liblib na lugar sa nasabing probinsya.

Nanggaling ang mga school supplies mula sa mga kapwa mag-aaral at kakilala, bilang miyembro siya ng US National Honor Society. Sa ngayon, ayon sa PNA, higit 500 katao na ang natulungan ng drive.

Marso 24 nakatakdang ganapin ang RAYA awarding ceremony ngunit pinagpaliban dahil sa COVID-19 pandemic, kaya hinatid mismo ng RAYA kay Jeanelle ang certificate nito, Mayo 2020.

Inalay ng Fil-Am ang kanyang natanggap sa kanyang mga magulang at sa kanyang Tita Shirley Mapili, na nag-alaga sa kanilang magkapatid sa Pilipinas ngunit yumao na sa Ontario, Canada nitong Nobyembre 2019.

Pinaparangalan ng RAYA award ang mga kabataan na nagpapakita ng “perseverance beyond the ordinary”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?