29

Jun 21, 2020 @ 15:32
By

17 anyos ni-rape umano ni Ansel Elgort

Lumantad sa social media ang paratang na pinilit ni ‘The Fault in Our Stars’ actor Ansel Elgort na makipag-sex ang isang menor de edad.

Nilabas ng isang Gabby sa Twitter ang kanyang kwento tungkol sa umano’y sexual assault noong 2014.

Nagkita umano siya at ang noo’y 20-anyos na aktor matapos nilang mag-usap sa Snapchat.

“So when it happened instead of asking me if I wanted to stop having sex knowing it was my first time and I was sobbing in pain and I didn’t want to do it, the only words that came out of his mouth were “we need to break you in”,” kwento ni Gabby na kaka-17 anyos pa lang umano noon.

“I couldn’t leave I was only 5’2 and 98 pounds. I WAS SO YOUNG AND HE KNEW THAT,” aniya pa.

Bukod dito, nanghingi rin umano si Ansel ng nudes mula sa babae at nagtanong na magkaroon sila ng threesome kasama ang isa niya pang menor-de-edad na kaibigan.

Naglakip din siya ng larawan umano nila ni Elgort, at ang screenshot ng kanilang direct messages.

Sabi ni Gabby, makalipas ang ilang taon ay nagkaroon aniya siya ng post-traumatic stress disorder at panic attacks, at sumasailalim siya sa therapy.

Ngayon lang siya nagkaroon ng tapang na loob magsalita tungkol sa insidente.

“I’m not posting this to “clout chase” because I simply don’t care for that. I’m posting this so I can finally heal and I know I’m not alone and he’s done this to other girls,” wika pa niya.

Burado na ang nasabing post at profile pero nakakuha ng screenshot ang mga netizen.

Samantala, tinanggi ni Ansel ang mga akusasyon ni Gabby.

Sa kanyang Instagram ngayong Linggo, sinabi niyang “her description of events is simply not what happened” at “Gabby and I had a brief, legal and entirely consensual relationship.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?