44

Jun 21, 2022 @ 14:51

17-anyos nakapagpatayo ng dream house sa kakalaro ng online games

Sa edad na 17, nakapagpundar na ng bahay si Edward Dapadap.

Si Edward ay miyembro ng Blacklist International, isang grupo ng mga Pinoy online gamer na lumalaban sa loob at labas ng bansa.

Noong December 2021 ay nagkampeon sila sa isang Mobile Legends (ML) world competition at nakapag-uwi ng P15 million papremyo.

Nito lamang Mayo ay dinagdagan din ng Blacklist International ang kanilang ML championship matapos ihatid sa Pilipinas ang ikalawang gold medal sa Southeast Asian Games esports sa Hanoi matapos gapiin ang Indonesia.

Sa Facebook, ibinahagi ni Edward ang ipinapagawang dream house na aniya’y katas ng ML.

“Nothing beats the happiness of seeing your dreams slowly coming true through your hard work.

Katas ng ML at the age of 17. Almost there,” saad ni Edward.

“Isa sa pangarap kong makapagpatayo ng dream house ko para sa family. Sulit ang lahat ng pagod at sakripisyo,” dagdag niya. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?