72

Sep 24, 2021 @ 15:28

17 anyos na bebot nilikada sa Pasay, drugs tinitingnang motibo

Patay ang isang 17 anyos na babae matapos pagbabarilin sa ulo ng isang hindi pa natutukoy na lalaki sa Pasay City.

Nasapol ng CCTV recording sa Barangay 95 ang pagtambay ng kelot sa tapat ng isang bahay sa Pasay na tila may hinihintay.

Nakuha naman sa CCTV ng Barangay 96 ang isang rider na huminto sa dulo ng kaparehong kantong kinatatayuan ng biktima.

Nilapitan ng rider ang biktima at makailang ulit na pinapatukan sa ulo dahilan para agad itong masawi.

Ayon sa ulat ng GMA News, nasabat sa crime scene ang isang sachet ng marijuana.

Palagay ng kapulisan, may kinalaman ang pamamaril sa double dealing ng ilegal na droga.

Batay sa kanilang inisyal na imbestigasyon, pumalya umanong i-remit ng biktima ang kita mula sa pagbebenta niya ng droga.

Kasalukuyang tinutugis na ng kapulisan ang mga suspek sa pamamaril. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?