46

Aug 29, 2018 @ 15:49
By

16th medal ng ‘Pinas, kinubra ni Abad

Nasungkit ni Almohaidib Abad ang ikatlong puwesto sa Pencak Silat men’s singles upang kubrahin ang pang-16 medalya ng Pilipinas sa ginaganap pa ring 18th Asian Games sa Jakarta-Palembang, Indonesia nitong Miyerkoles, Agosto 29.

Umiskor si Abad ng 455 sa likod ng sumegundong si Ilyas Sadara ng Thailand (460) at primerong si Sugianto Sugianto ng Indonesia (471).

Ito na ang ika-4 na tanso ng Pilipinas sa Pencak Silat.

Nauna nang iniuwi nina Dines Dumaan ang mga tanso sa men’s class B 50kgs-55kgs, Jefferson Doon sa men’s class D 60kgs-65kgs at si Cherry Regalado sa women’s singles.

Dahil sa panalo, may apat na ginto at 13 tanso na ang Pilipinas sa kasalukuyan. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?