100

Dec 17, 2017 @ 14:42
By

16K pasahero na-stranded kay ‘Urduja’

Bagama’t bahagyang humina na ang bagyong Urduja ay hindi pa rin pinapayagan ng Philippine Coast Guard na makapaglayag ang anumang uri ng sasakyan pandagat.

Dahil dito ay mas tumaas pa ang bilang ng mga istraded na pasahero, barko at mga rolling cargoes sa ibat-ibang mga pantalan sa Luzon at Visayas particular sa Bayan ng Matnog at Irosin sa lalawiga ng Sorsogon. May mga istraded na pasahero din sa Port of Allen sa bayan ng Allen, Northern Samar.

Nabatid na kabuuang 16,449 na mga pasahero; 1,711 Rolling Cargoes; 118 Vessels at 37 motor bancas ang pinigil na makabiyahe hanggang ngayong araw ng linggo.

Inabisuhan naman ang lahat ng PCG units na tiyakin ang mahigpit na pagpapatupad ng HPCG Memorandum Circular Number 02-13 (Guidelines on Movement of Vessels during Heavy Weather). (Rick Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?