40

Dec 25, 2017 @ 14:57

164 patay, 171 nawawala sa bagyong Vinta – NDRRMC

Naiulat na 164 ang patay habang 171 ang nawawala dahil kay bagyong #VintaPH, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na nakatakda pang iberipika ng DILG.

Sa press briefing na isinagawa nito, patuloy pa rin umano ang search, rescue and retrieval operations matapos ang bagyo kung saan nasa 500 teams (4,000 katao) na ang nagtutulong-tulong sa mga naapektuhang lalawigan.

Mahigit 20,000 pamilya pa rin umano ang nananatili sa mga evacuation center at nasa higit P3 milyon na umano ang nailabas para sa mga biktima ni ‘Vinta’, ayon pa sa NDRRMC.

Nakatakda namang maghatid sa mga naapektuhang lalawigan ang C130 ng Army ng mga kinakailangang gamit ng mga biktima kung saan nauna nang naghatid ng libreng 1,600 family food packs ang Philippine Airlines (PAL) sa mga sinalanta.

Ayon pa sa NDRRMC, may namataan na namang low pressure area (LPA) ang PAGASA sa labas ng bansa. Tinatantiya na papasok ito sa Philippine area of responsibility ng bandang Enero 1.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?