49

Jul 16, 2021 @ 18:21
By

162 pa dedo sa COVID-19

Pumalo pa sa 26,476 ang death toll ng Pilipinas dahil sa COVID-19.

Kasunod ito ng pagpanaw ng 162 pang pasyente nitong Biyernes, ayon sa Department of Health.

Panibagong 5,676 katao naman ang nagpositibo habang 2,670 ang gumaling.

Sa ngayon ay 48,480 ang active case o nakikipaglaban sa COVID-19 sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?