61

Apr 13, 2020 @ 23:36
By

162 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Taguig

Sa COVID-19 update ng Taguig City, inanunsyo nito na umabot na sa 162 ang kumpirmadong kaso sa kanilang lungsod.

Nadagdag umano ang apat na kaso na naitala Abril 13, Lunes. Mula umano ito sa Brgy. Bambang, Fort Bonifacio at South Signal.

Mayroon na rin umanong 345 na suspect COVID-19 case at 95 na na sinasailalim sa monitoring.

Sa datos na nilabas ng lungsod sa kanilang social media account, pinakamarami umanong naitalang kumpirmadong COVID-19 case na umabot sa 37 sa Brgy. Fort Bonifacio. Sinundan ito ng Brgy. Pinagsama na may 15 kaso.

Ayon pa sa lungsod, patuloy na umiikot ang Barangay Health Emergency Response Teams at Taguig City Containment Team para mag-monitor sa mga kaso ng COVID-19.

https://www.facebook.com/taguigcity/posts/3280429085322892

Maaari rin umanong tumuwag sa Taguig COVID-19 hotline sa 8-789-3200 o sa 0966-419-4510 para sa mga katanungan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?