11

Sep 14, 2021 @ 12:30

160 atleta sasabak sa 6th AIMAG

Nasa 160 atleta ang balak ipadala ng Pilipinas sa 6th Asian Indoor and Martial Arts Games na idaraos sa Marso 2022 sas Thailand.

Ang mga naturang atleta ay sasabak sa 21 sporting event.

Ang mga sporting event na kanilang lalabanan ay aquatics, 3×3 basketball, billiards, bowling, chess, dancesport, e-sports, indoor athletics, indoor rowing, jiu-jitsu, karate, kickboxing, kurash, muay, pencak silat, sambo, sepak takraw, shooting, skateboarding, taekwondo at wrestling.

Nitong nagdaang Mayo pa sana nakatakdang idaos ang naturang palaro ngunit nausad dahil sa pandemya.

Kumpyansa naman si Philippine Olympic Committee President Bambol Tolentino na magpapakyaw ng medalya ang mga Pinoy athletes na sasabak sa palaro.

“We have put together a delegation whose members are all potential for the medals,” aniya.

“The objective is to ride the momentum of the Tokyo Olympics success and surpass our two gold medals won in the last AIMAG in Turkmenistan in 2017,” dagdag pa ni Tolentino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: