12

Sep 15, 2020 @ 16:15
By

16 tomador dinampot sa Taguig

Arestado ang 16 katao matapos mag-inuman sa kalsada sa Taguig City.

Ayon kay Joint Task Force COVID Shield commander Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar, tumoma ang mga nadakip sa kahabaan ng Aguirre Street sa Lower Bicutan dahil sa birthday noong September 12.

Isang concerned citizen ang nag-report ng insidente sa kapulisan at nagpadala ng larawan ng nagaganap na inuman sa pamamagitan ng Facebook page ng task force.

Nadatnan ng mga operatiba ng Hagonoy Police Sub-Station 9 ang mga nag-iinuman na walang suot na face mask at hindi rin sumusunod sa social distancing.

Kinilala ang mga dinampot na sina Ralph Cruz, 19; Nichole Cruz, 21; Michael Quijou, 21; Christian Pregil, 21; Paul Belarmino, 21; Ian Augala, 21; Enen Sison, 21; Jojo Angala, 39; Jackie Bosque, 37; Franz Pascua, 19; Monica Reyes, 19; Kevin John de Guzman, 23; Ivan Pacete, 21; Gabriel Inserto, 21; Mark Anthony Ortigas, 21; at isang babaeng 17-anyos.

Mahaharap sila sa mga kasong paglabag sa Taguig City Ordinance Number 27-89 (Drinking in Public Places) at Revised Penal Code (Resistance and Disobedience to a Person in Authority).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?