3

Sep 17, 2020 @ 11:07
By

16 pang Pinoy abroad sapul ng virus

Ayon sa Department of Foreign Affairs, nadagdagan ng 16 ang bilang ng mga overseas Filipino na nahawa sa COVID-19.

Dahil dito, 10,339 na ang mga kumpirmadong kaso ng coronavirus sa hanay ng mga Pinoy abroad.

Sa nasabing bilang, 2,985 ang ginagamot, 6,581 na ang gumaling, habang 773 na ang pumanaw.

Samantala, nagtala rin ng 13 new recovery, at walang bagong namatay sa mga Pinoy abroad na dulot ng COVID-19.

Sa ngayon, sabi pa ng DFA, 77 bansa o rehiyon na ang may mga coronavirus case na Pilipino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?