378

Nov 1, 2019 @ 14:13
By

16 nasawi, 403 sugatan sa 2 sunod na lindol sa Mindanao

Sa loob lamang ng isang linggo, dalawang malakas na lindol ang tumama sa kalupaan ng Mindanao na nag-iwan ng pinsala hindi lamang sa mga istuktura, kundi sa mga pamilya nawalan ng mahal sa buhay.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, 16 katao ang nasawi, habang 403 naman ang nasugatan dahil sa magnitude 6.5 at 6.6 na lindol na tumama sa Tulunan, Cotabato na nagpayanig sa maraming parte ng Mindanao.

Dahil dito, naging prone sa landslide ang ilang lugar sa Davai at Soccsksargen region na naging dahilan din ng pagkamatay ng iilan, dalawang katao naman ang hindi pa nahahanap.

Noong nakaraang Martes, tatlong katao ang namatay mula sa Davao, pito naman sa Soccsksargen, habang anim na katao naman ang nasawi sa lindol noong Huwebes.

Matatandaan na noong Oktubre 16 tumama ang isa ring malakas na lindol sa magnitude 6.3.

“Due to the magnitude of these events, small to moderate-sized earthquakes are expected to occur in the epicentral area and may continue for several days to weeks, some of which may be felt,” ayon sa report.

Tinatayang nasa 30,000 katao o 6,009 pamilya ang naapektuhan ng nasabing lindol, habang 12,760 katao naman ang pansamantalang nanunuluyan sa mga shelter.

Nasa 3,220 imprastruktura ang nasira sa Mindanao, ang 513 dito ay mga eskuwelahan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?