26

Jul 30, 2020 @ 9:11
By

16 nagpositibo sa Bataan religious gathering

BALANGA City, Bataan -Nagpahayag ng pagkabalisa si Bataan Governor Albert Garcia kahapon matapos makatanggap ng ulat na ang Bataan ay nakapagtala ng 29 bagong kumpirmadong nagpositibo sa Covid-19 kabilang ang 16 matapos dumalo sa isang religious gathering.

Dahil dito, ipinag-utos ni Garcia ang pagbabawal sa lahat ng uri ng mass gatherings upang hindi na muling maulit pa ang pagkalat ng virus at panawagan na sumunod sa mga protocol lalo na ang laging pagsuot ng face mask.

Ayon kay Provincial Health Officer Rosanna Buccahan, ang bilang ng mga bagong kaso ay itinuturing na pinakamataas na naitala sa isang araw mula nang unang maapektuhan ng virus ang lalawigan. Sa 29 idinagdag, ang bilang ng mga nakumpirma na Covid-19 na kaso sa Bataan ay tumaas na sa 344, na may 95 aktibong kaso.

Ang nasabing 16 na nahawaang indibidwal ay dumalo sa isang religious gathering sa isang hotel, isa dito ay mula sa bayan ng Orani, dalawa sa Limay, apat sa Abucay at siyam dito ay mula sa lungsod na ito ng Balanga.

Samantala sa iba pang nahawaan na hindi kabilang sa mga sumali sa pagtitipon, tatlo ay mula sa Dinalupihan, tatlo mula sa Limay, isa mula sa Orani, at dalawa sa Abucay, Balanga at Bagac.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?