72

16-game win streak ng Celtics, nilagot ng Miami

Sharing is caring!

Nilagot ng Miami Heat ang 16-game win streak ng Boston Celtics at iginapos sa 104-98 ang biktima sa American Airlines Arena.

Naubusan si Kyrie Irving matapos ang impresibong 47 points sa laro nila kontra Dallas Maverics kung saan nagtala lamang ito ng 23 points.

Hindi rin nakatulong si Jayson Tatum na nadiyeta sa 18 points.

Nagpakawala naman si Heat guard Dion Waiters ng dalawang 3-pointers sa huling minuto ng laro para tapusin ang laban na may 26 points.

Si Goran Dragic ang nanguna sa pagsawata ng Miami kontra Celtics sa 27 points.

Maagang umabante ang Heat na tinambakan agad ang Celtics ng 18 points sa first half ngunit natapyasan ito ng huli, 54-41.

Nangamote sa umpisa pa lang ng first half ang Celtics na mayroon lamang 33.3% sa field at umiskor lamang ng tatlo sa 10 turnovers ng Heat sa unang half.

Inaasahang makakabawi ang Celtics sa 2nd half na palagian na nilang nagagawa sa mga nakaraan nilang laban ngunit hindi ito umubra dahil sa nagawa ng Heat na mamantina sa 2-digit ang kanilang kalamangan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?