39

Jun 19, 2020 @ 22:07
By

16 foreigner dinampot sa Makati

Inaresto sa isang bar sa Makati City ang 16 na dayuhan.

Ayon sa Makati City Police, dinakip ang mga suspek noong June 17 sa bar na matatagpuan sa Mariano Street, Barangay Poblacion dahil sa pag-iinuman kahit pinagbabawal ang mass gathering.

Gumagamit din umano ng iligal na droga ang mga ito.

Kinilala silang sina Cedric Fowetfeih Nhengafac, 30; Ndipagbor Rayuk, 39; Christian Menkami Youmbi, 35; Ashu Cederick, 34; Nintedem Feudjio Bertrand, 30; Mekoulou Christelle Clemence, 30; Bernadette Bareja, 34; Vitalys Ninjiwa, 43; Jacques Mboum Mbitock, 33; Hyacinthe Gabre, 38; Ngami William, 29; Joseph Emmanuel Faure, 26; Cristina Nkengasong Ngunyi, 25; Ezeugwu Osita Linus, 36; Harry Teenesee, 45; at Saikou Omar Kujabi, 34.

Nag-ugat ang paghuli sa mga suspek sa mga reklamong natanggap ng kapulisan ukol sa pagkukumpulan na nagaganap sa loob ng bar.

Nakumpiska sa mga suspek ang ilang bote ng alak at hinihinalang shabu.

Nakadetine na ang mga foreigner sa Makati City Police Station.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?