24

Jul 16, 2021 @ 11:57

16 bagong positibo: Hawaan ng Delta variant sumambulat na sa ‘Pinas

Kumpirmado na ang local transmission sa Pilipinas ng Delta variant, ang mas nakahahawang uri ng COVID-19 na nagsimula sa India.

Ayon kay Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, ang 11 nagpositibo sa Delta variant ay maituturing na local transmission, ibig sabihin ay sa Pilipinas mismo nangyari ang hawaan ng new coronavirus.

Samantala, ang lima naman dito ay mula sa mga umuwing Pinoy abroad, nanggaling ang mga ito sa United Kingdom at Qatar.

Sa 11 local case, dalawa ang nakita sa Metro Manila, isa sa kanila ang nasawi matapos itong isugod sa ospital noong June 28.

Ang natitira namang 15 ay gumaling na sa COVID-19.

Anim naman sa positibo din sa Delta variant ay nagmula sa Region 10, habang dalawa ang mula sa Region 6, at isa ang nagpositibo muli sa Metro Manila ngunit ang address ay mula sa Region 3.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?