35

By

15K na renta sa bahay, apartment VAT exempt sa Senado

Sharing is caring!

Inaprubahan ng Senado ang mungkahi ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na gawing exempted sa 12 porsiyentong value added tax (VAT) ang buwanang upa o renta sa bahay na hindi lalagpas sa P15,000.

Nakapaloob ito sa tinatalakay ng Senado na Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Bill o tax reform bill.

Ayon kay Recto, makikinabang dito ang halos 1.5 milyong pamilyang pilipino na nangungupahan pati na ang mga estudyante sa mga boarding house.

Sa 2015 Housing Rental Study ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC), tinukoy na 99% ng 1.5 milyong pamilyang Pilipino na nangungupahan ay nagbabayad ng P15,000 pababa.

Walang tumutol sa kaniyang mungkahi kaya tinanggap ito ni Senador Sonny Angara, chairman ng Senate committee on ways and means at nagdedepensa sa Senado ng tax reform bill.

Sa ngayon, ang renta sa residential units na P12,800 ang hindi pinapatawan ng VAT dahil sa batas noon pang 2012. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?