29
micab

15K na partner-drivers, target ng MiCab

Sharing is caring!

Plano ng taxi-hailing firm na MiCab na palobohin ang bilang ng partner-drivers nito at paabutin hanggang 15,000 sa katapusan ng taon.

Isa ito sa mga bagong transport network vehicle service na binigyan ng prangkisa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board para makipagsabayan sa Grab.

Hindi naniningil ang MiCab ng booking fees o “surge” rates tuwing peak hours.

Gagamit ito ng tablets na nakalagay sa loob ng taxi para sa advertisements na siyang dagdag kita nila.

Sa kasalukuyan ay mayroon na itong 4,000 behikulo sa Metro Manila, Baguio at Cebu at may plano pang banatin ito hanggang Davao, Iloilo at Bacolod.

Sakaling tumaas sa 15,000 ang mga sasakyan nito, makakapagserbisyo sila sa may 31 milyong riders kada buwan, ayon kay MiCab CEO at co-founder Eddie Ybanez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?