60

Apr 25, 2020 @ 22:06
By

157 pasaway naaresto: Lockdown sa Sampaloc, Maynila tapos na

Kabuuang 157 na quarantine violator ang ikinulong sa Sampaloc matapos lumabag sa 48-oras na “hard lockdown”.

Ngayong Sabado ng gabi nagwakas ang lockdown na nagsimula noong Abril 23.

Ayon sa Sampaloc Police Station, 157 na residente ng Sampaloc ang inilagay sa iba’t ibang covered court na ginawang detention center para sa mga lockdown violator.

Sa pinatupad na lockdown, mahigit 300 na residente naman ng Sampaloc ang na-test sa novel coronavirus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?