28
huli
By

156 sasakyan hinuli ng Traffic Task Force

Sharing is caring!

Naitala ngayon ng Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT) ang record sa bilang ng pinakamaraming hinuling motorista.

Sa inilabas na pahayag ng IACT, umabot sa 156 sasakyan ang nahuli sa limang oras na operasyon sa SM North Edsa; Masinag, Antipolo City; Cubao at Boni Serrano sa Quezon City.

Sa bilang may 56 sasakyan pa ang naisyuhan ng tiket dahil sa mga paglabag sa mga batas-trapiko, gayundin sa Tanggal Bulok, Tanggal Usok campaign.

Bukod pa dito, 88 sasakyan ang na-impound dahil sa out of line operations at illegal parking.

May 18 PUV drivers at pribadong motorista ang binigyan ng subpoena dahil sa smoke belching.

Sinabi ni Transportation Usec. Tim Orbos na ito na ang pinakamalaking bilang ng kanilang nahuli sa isang araw lang ng operasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?