122
kolorum
By

156 kolorum na sasakyan, naharang ng I-ACT

Sharing is caring!

Nakahuli ng nasa 156 kolorum na sasakyan sa isang araw lang na operasyon nitong Miyerkoles ang Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT).

Ayon sa pahayag ng I-ACT, ang bilang na 156 ay kinabibilangan ng pampubliko at pribadong sasakyan.

Isinagawa ang operasyon sa iba’t ibang lugar gaya sa Pan-Philippine Highway malapit sa SM North Edsa, Masinag sa Antipolo City, Santolan at Cubao, Quezon City mula alas-sais ng umaga hanggang alas-11:30 ng umaga.

Nasa 50 sasakyan ang naisyuhan ng tickets dahil sa sirang mga parte ng sasakyan at iba pang paglabag, habang 88 ang na-impound dahil sa out-of-line o illegal parking.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?