5

Nov 2, 2020 @ 17:46
By

155 COVID patient nilikas sa mga hotel, ospital

Aabot sa 155 na pasyente na tinamaan ng COVID-19 ang pinalipat mula mga temporary treatment and monitoring facilities (TTFM) patungo sa iba’t ibang hotel at ospital sa Metro Manila dahil sa bagyong Rolly.

Manila, Pasig, and Quezon City in anticipation of the effects of Typhoon Rolly.

Ayon kay Department of Health (DOH) director Gloria Balboa, kinailangan palikasin ang mga pasyente, kasama pa ang 169 staff para maging handa sa hagupit ng bagyo.

“Of course, we have to secure them prior to the typhoon’s landfall because we don’t want them to be running around looking for places to go,” lahad ni Balboa.

Ang mga naturang TTFM ay ang mga pasilidad na itinayo ng gobyerno sa Ninoy Aquino Stadium, Rizal Medical Center, Filinvest Tent, Philippine International Convention Center at Philippine Arena para makadagdag sa mga pagamutan ng mga tatamaan ng naturang virus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?