50

Jun 5, 2020 @ 12:25
By

155 barangay captains at officials na sangkot sa katiwalian, isinangguni na sa Ombudsman– Año

Ibinahagi ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na na-isinangguni na sa Office of the Ombudsman ang 155 barangay captains at officials na sangkot umano sa katiwalian sa cash assistance ng ibinabahaging Social Amelioration Program.

“155 barangay captains and officials na po ‘yung aming iniimbestigahan at ‘yun po ay nai-refer na namin sa Ombudsman,” ditalye ni Sec. Año sa inereng briefing nitong Biyernes ng umaga.

Sabi pa nito, “Maganda po rito, marami na ang nagsasalita kasi po lahat ng mga nakatanggap ay ipinaposte namin ‘yung kanilang pangalan sa mga barangay halls para makita noong mga mamamayan kung sino talaga ‘yung mga nakatanggap,”

Ayon pa kay Año, tuloy lang sa pagtugis ang DILG sa mga local official na sangkot aa anomalya sa cash assistance.

Dagdag pa rito, tutulong rin sa ikalawang bugso ng cash aid distribution ang Armed Forces at Philippine National Police.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?