18

Sep 25, 2021 @ 21:51
By

152K marijuana sinira sa Mountain Province

Sinira ng mga awtoridad ang nasa 152,000 halamang marijuana mula sa tatlong magkakahiwalay na taniman sa Sadanga, Mountain Province noong Huwebes.

Ayon sa ulat ng PNP, natagpuan ang mga taniman sa Sitio Paras, Barangay Saclit sa nasabing bayan.

May kabuuang 15,200 square meters ang lawak ng mga taniman ng marijuana.

Tinatayang nagkakahalaga ng P30.4 milyon ang mga sinirang marijuana.

“All uprooted Marijuana plants were burned on site except for a few samples that were submitted to the Provincial Crime Laboratory Office in Bontoc for qualitative examination,” saad sa statement ng PNP.

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang mga taniman upang madiskubre ang mga may-ari nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?