32

Jul 18, 2021 @ 22:05
By

150K trabaho malilikha sa bagong Clark airport terminal

Ayon kay Bases Conversion and Development Authority (BCDA) president at CEO Vince Dizon, nasa 150,000 ang mabibigyan ng trabaho sa bagong tayong passenger terminal sa Clark International Airport.

Kasama si Dizon sa nag inspeksyon sa terminal noong Sabado, na pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Thank you to more than 3,000 workers, engineers, architects, and designers, who built this world-class airport for all of us. This is truly a testament to the skill and talent of the Filipino,” wika ni Dizon.

“Despite the challenges of the pandemic, despite the scourge of COVID-19, this is truly world-class airport is now here for every Filipino to enjoy. We hope and we pray that this unprecedented infrastructure program will be continued by the administration to come,” dagdag pa nito.

Bukod dito, matutulungan din umano ng paliparan na umusbong ang turismo, imprastraktura at iba pang mga sektor at negosyo ang mga lugar na malapit dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?