95

Jan 3, 2018 @ 18:47
By

1,500 MMDA personnel ikakasa sa pista ng Black Nazarene

Simula sa Biyernes magtatalaga na ang MMDA ng kanilang mga tauhan bilang paghahanda sa Traslacion ng Quiapo Black Nazarene sa Enero 9.

Ayon kay Celine Pialago, tagapagsalita ng MMDA, ang maagang deployment ay para sa kanilang Emergency Preparedness Plan.

Aniya una nilang itatalaga ang kanilang Medical and Rescue Team sa Quirino Grandstand para sa paglilipat ng Itim na Nazareno sa Enero 7 at pagsasagawa ng tradisyonal na ‘pahalik.’

Dagdag pa ni Pialago malaking bilang ng kanilang mga ipapakalat na tauhan ay tutulong sa pagsasaayos ng trapiko sa mga kalsadang dadaanan ng prusisyon. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?