35

Dec 30, 2019 @ 14:57
By

1,500 CCTV ikinabit sa Quezon City

Para mapaigting ang seguridad sa kanyang nasasakupan, nakipagtulungan si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa Department of Interior and Local Government sa installation ng may 1,500 high definition closed-circuit television (CCTV) cameras.

Ani Belmonte, sa ilalim ng Safe Philippines project ng DILG, layon nitong mapalakas ang peace and order at disaster risk reduction and management measures sa kanilang lungsod.

Kamakailan nang kilalanin ng DILG ang Quezon City bilang isa sa “2019 Seal of Good Local Governance awardees” kasama ang walo pang ibang lungsod sa Metro Manila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?