24

By

150 pamilya sa Navotas, naabo ang kabahayan

Sharing is caring!

Hindi bababa sa 150 mga pamilya o 700 na indibidwal ang nawalan ng kani – kanilang tahanan matapos na sumiklab ang isang sunog sa Lungsod ng Navotas.

Sa ulat ng Navotas City Bureau of Fire Protection (BFP) ay ganap umanong alas-7:30 ng umaga nang sumiklab ang sunog sa isang bahay na matatagpuan sa Oliveros Street, Barangay Tangos ng nasabing lungsod.

Agad na inakyat sa ikatlong alarma ang sunog na idineklarang fire out ganap na alas-9:46 ng umaga, wala namang naiulat na nasawi o sugatan sa nasabing insidente.

Sa ngayon ay kasalukuyan pang inaaalam ang halaga ng mga ari-ariang naabo, agad namang nagpaabot ng tulong ang lokal na pamahalaan ng lungsod at inatasan ang City Social Welfare and Development Office na ipagkaloob sa mga nabiktima ng sunog ang tulong na kanilang kailangan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?