41

By

150 pamilya nasunugan sa Maynila

Sharing is caring!

Masaklap ang naging simula ng taon ng nasa 150 pamilya matapos masunog ang kanilang mga bahay sa Galicia St., Brgy. 401, sa Sampaloc, Maynila.

Batay sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng Maynila, dakong alas-11:50 ng umaga nang sumiklab ang sunog sa 50 na magkakadikit na bahay na gawa lamang sa light materials kaya mabilis na kumalat ang apoy at umabot sa ikatlong alarma ang sunog.

Ayon kay Fire Chief Inspector Crossib Cante, ng BFP-Manila, dalawang bumbero ang nagtamo ng minor injuries.

Iniimbestigahan pa ang sanhi ng sunog na tumupok sa nagkakahalagang P100,000 na mga ari-arian. (Rick Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?