33
sunog8
By

150 pamilya apektado sa sunog sa Las Piñas

Sharing is caring!

Natupok ang abot sa 80 kabahayan sa Las Piñas City nitong Sabado, Oktubre 13 dahil sa malawakang sunog.

Umabot sa 150 pamilya ang naapektuhan ng nasabing sunog na umabot sa ikatlong alarma, na tumagal rin ng nasa 45 minuto bago tuluyang nakontrol ang apoy.

Nagsimula ang sunog bandang alas-11 ng umaga, at batay sa mga awtoridad, hindi pa tukoy kung magkano ang pinsala sa mga ari-arian at bilang ng mga residenteng nasugatan sa nasabing sunog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?